WebClick Tracer

School ni-require mga estudyante panoorin pelikula ni Toni?

How true ang kumakalat sa social media na pinapapanood umano ng isang school sa Cavite sa kanilang mga estudyante ang pelikulang ‘My Teacher’ ni Toni Gonzaga?

Kumalat sa social media ang isang sulat kung saan makikita na isang paaralan ang hinihimok ang kanilang mga estudyante na manood ng pelikula ni Toni para raw sa school activity.

Makikita sa letter na galing daw ang sulat sa Brentwood Academy of Dasmarinas sa Cavite.

Dahil sa naging viral na larawan sa social media ay napag-usapan ito sa ‘Showbiz Update’ ni Ogie Diaz.

“Diba may tsikang kumalat na may ibang school na nire-require ‘yung mga estudyante na manonood sila nitong ‘My Teacher’?” sey ni Mama Loi.

“Yun ang akusasyon, hindi natin alam kung totoo ‘yung sulat na ‘yung Brentwood Academy of Dasmarinas Office of the School President ay nire-require (na panoorin ang ‘My Teacher),” tugon naman ni Ogie.

Tingin naman ni Ogie, baka nga nagustuhan ng pamunuan ng school ang pelikula kaya pinapapanood ito sa kanilang mga estudyante.

Pero pakli ng talent manager, nahahaluan ng politika ang issue lalo’t maraming kritiko ni Pangulong Bongbong Marcos ang bina-bash si Toni.

“Hindi naman natin alam baka talagang napanood nung Brentwood ang pelikula at gustong ipanood sa mga estudyante, kaya nga lang nahahaluan ng politika,” sambit ni Ogie.

“Malay naman natin di’ba, baka paborito nila si Toni Gonzaga, nung school,” aniya pa.

Sinubukan naming kunin ang pahayag ng Brentwood Academy of Dasmarinas hinggil sa issue, ngunit hindi pa sila tumutugon sa aming mensahe. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on