PBBM iniutos pagpapalabas ng pondo sa rehabilitasyon ng nasirang mga paaralan sa MisOr
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lokal na opisyal ng Misamis Oriental ang agarang pagkumpuni sa mga nasirang eskuwalahan dahil sa malawakang pagbaha.
Sa ginanap na situation briefing sa Gingoog City, sinabi ng Pangulo na iniutos na niya ang pagpapalabas ng tatlong milyong piso para sa repair ng mga paaralan na nasira dahil sa malawakang pagbaha.
“If the LGUs can take the load, we can send you the three million plus immediately. Kasi ito ‘yung nakalista dito, for the school buildings.I’m talking about the school buildings for the repair. Yeah do it. By administration na lang para mas mabilis. Mas mabilis and mas mura,” ani ng Pangulo.
Batay sa report na ibinigay sa Presidente, mayroong 63 classrooms na binaha dulot ng walang tigil na mga pag-ulan noong nakalipas na linggo.
Pinaaasikaso na ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkumpuni sa mga nasirang paaralan sa sandaling humupa ang baha sa lalawigan.
Mahalaga aniyang makumpuni agad ang mga paaralan dahil kailangan ito ng mga estudyante para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
“First of all the evacuees, we must make sure that they are attended to properly and then kung ano ‘yung sa… Iyong school buildings critical ‘yun eh. We will be needing to – we will be needing to… So come to an arrangement with the ano with the LGU. What maybe if you want – kung kaya ninyo by administration lahat, go ahead. Kung hindi, patulong tayo sa Public Works,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)