WebClick Tracer

PBA Finals: Bay Area kinaladkad ang Ginebra sa Game 7

Naitakda ng Bay Area ang do or die Game 7 kontra Barangay Ginebra sa 2022 PBA Commissioner’s Cup Finals.

Ito’y matapos mabigong maipasok ni Japeth Aguilar ang 3-point shot may 5.4 segundo na lang sa final quarter at hindi nadala sa OT ang laro, 87-84, nitong Miyerkoles sa Game 6.

Napaluhod pa si Dragons Coach Brian Goorjian nang hindi pumasok ang tres ni Japeth.

Maganda ang ibinunga ng pagbabalik ng unang import nila na si Myles Powell sa kinamadang 29 points at 7 rebounds.

Dahil dito, wala pa ring talo si Powell sa siyam na nilaro niya sa PBA bilang Bay Area import.

Naitabla ng Bay Area ang finals series sa 3-3 at may pagkakataong maging ikatlong guest team na magkampeon sa PBA.

Lalaruin ang Game 7 sa Philippine Arena sa Bulacan sa Linggo ng 5:45 PM. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on