WebClick Tracer

Oil exploration gawin din sa Sulu, Benham Rise – Zubiri

Bukod sa West Philippine Sea, mas mainam kung magkakaroon din ng oil exploration sa ibang karagatan ng Pilipinas kagaya ng sa Sulu at Benham Rise.

Ito ang suhestiyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa gitna nang pagpapatuloy ng negosasyon sa oil at gas exploration sa West Philippine Sea kasunod ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China kamakailan.

Subalit idineklara ng Supreme Court na void at unconstitutional 2005 agreement na pinapayagan ng China at Vietnam na magsagawa ng joint oil exploration kasama ang Pilipinas sa West Philippine Sea.

Aniya, kailangang suriing mabuti ang desisyon ng SC hinggil dito.

“We have to study that very, very carefully, and with that, we have to tread cautiously in these exploration talks with, for example, China,” sabi ni Zubiri.

Mungkahi niya, maghanap na lang ng ibang karagatan sa bansa, tulad ng Sulu Sea at Benham Rise kung saan pwedeng isagawa ang joint oil at gas exploration.

“We have other opportunities. I do not know why we’re always concentrating on the West Philippine Sea, South China Sea area. We can continue to explore down south,” saad ni Zubiri.

Naniniwala ang Senate President na may potensiyal na oil reserves ang Sulu Sea gayundin ang Benham Rise.

“Ako, hindi naniniwala na walang langis doon sa Sulu Sea, between Mindanao and Palawan. Napakaganda po ng lugar na ‘yan,” ani Zubiri.

“We can also look into Benham Rise, which is east of Quezon. Walang claimant du’n, atin ‘yun. Malapit sa atin ‘yun,” sambit pa niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on