WebClick Tracer

NHA inatasang maghanap ng resettlement area para sa mga biktima ng flash floods sa Misamis Occidental

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Housing Authority (NHA) na maghanap ng resettlement area para paglipatan sa mga mamamayang nasira ang mga bahay dahil sa malawakang flashfloods sa Misamis Occidental.

Sa kanyang pagbisita sa bayan ng Tudela, tiniyak ng Pangulo na pinakilos na niya ang NHA para maghanap ng lugar na maaaring gawing resettlement area para sa mga biktimang ang mga bahay ay totally damaged o hindi na maaaring kumpunihin pa.

“Nag-coordinate na kami sa National Housing Authority. ‘Yung mga bahay na totally destroyed, hahanapan natin ng resettlement area para magkaroon ng tirahan,”anang Pangulo.

Kapag aniya nakakita ng lugar, magpapadala ang gobyerno ng mga materyales para masimulan agad ang pagtatayo ng mga bagong bahay para sa mga nawalan ng tahanan mula sa kalamidad.

“So ‘yan ang ating mga gagawin… sa darating na ilang linggo kaya’t asahan ho ninyo, kung mayroon kayong pangangailangan, nandito po si governor, nandito po si congressman, nandito po ang ating mga ahensya,” dagdag ng Pangulo.

Batay sa report ng mga lokal na opisyal sa Pangulo, mahigit 16,000 na pamilya ang naapektuhan ng malawakang pagbaha. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on