Pinagsasaksak ng isang selosong mister ang kanyang 39 anyos na asawa Mangaldan, Pangasinan, ayon sa kapulisan nitong Miyerkules.
Ayon sa pahayag ni Police Lt. Col. Benjamin Zarate Jr., nangyari ang nabanggit na krimen noong Linggo sa isang inn sa Barangay Bantayan.
Naghinala umano ang mister na may ibang lalaki ang kanyang misis na humantong sa pananaksak.
“Bandang 7:45 ng umaga nang mag-check in ang mag-asawa. Makalipas ng tatlong oras, lumabas ang mister na duguan ang kanyang paa. Napansin ito ng isang room boy kaya agad na tinignan ang kwarto at doon na nadiskubre ang duguan at wala ng buhay na biktima,” saad ni Zarate.
Ayon sa medico-legal, 300 saksak ang tinamo ng kanyang 39 anyos na asawa gamit ang hinihinalang Swiss army knife.
Samantala, humaharap sa kasong parricide ang suspek.
(Jan Terence)