WebClick Tracer

Michelle Yeoh wagi bilang best actress sa Golden Globe

Nasungkit ni Michelle Yeoh ang best actress sa Golden Globe bilang pagganap sa pelikula na ‘Everything Everywhere All at Once’.

Matapos matanggap ang tropeyo ay sinariwa nito ang kaniyang naging karanasan nang una itong makatapak sa Hollywood.

“I remember when I first came to Hollywood, it was a dream come true until I got here,”

May ilang tao pa umano na nagulat na sanay siya magsalita ng English.

“Then I said, ‘Yeah, the flight here was about 13 hours long, so I learned,”

Nagtawanan naman ang mga manonood sa sagot na ito ng aktres.

Bago ito umalis sa entablado ay nag-iwan pa ito ng mensahe.

“And this is also for all the shoulders that I stand on, all who came before me who look like me, and all who are going on this journey with me forward. So thank you for believing in us.”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on