WebClick Tracer

Mga bagong talagang opisyal ni PBBM inanunsyo

Inanunsiyo ng Malacañang ang mga bagong opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

Batay sa inilabas na listahan ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, ang mga binigyan ng posisyon sa gobyerno ay sina Faith Barana de Guia bilang Director III ng Presidential Communications Office (PCO); Gloria Jacinto Balboa, Assistant Secretary ng Department of Health; Johanna Solon Banzon bilang Director IV ng DOH; at Rodley Desmond Daniel Muñoz Carza, Director III ng DOH.

Hinirang din ni Pangulong Marcos Jr. sina Genesis Rivero Abot bilang Deputy Director General ng Anti-Red Tape Authority na nasa ilalim ng Office of the President; Jocelyn de Guzman Cabreza at Alan Rio Luga bilang acting members ng Board of Trustees ng Government Service Insurance System na kumakatawan sa Banking, Finance, Investment at Insurance Sectors.

Itinalaga naman bilang Acting Chairman at Member Board of Directors sa Clark Development Corporation si Edgardo Dizon Pamintuan, habang Acting Member na kumakatawan sa Employer’s Group ng Social Security Commission si Robert Joseph Montes de Claro.

Kabilang pa sa mga binigyan ng puwesto sa gobyerno sina Robert Rayo Bioco bilang Acting Administrator and Member ng National Food Authority (NFA); at Michael Galicia Aguinaldo bilang Chairperson ng Philippine Competition Commission na may termino hanggang January 7, 2030. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on