WebClick Tracer

Lisa ng Blackpink, tinaguriang ‘soft power icon’ ng Thailand 

Sinalubong ng hiyawan at sayawan ng kanyang fans sa Thailand ang Blackpink mega-star na si Lisa nang mag-perform ito sa entablado sa Bangkok nitong Sabado. 

Si Lalisa Manobal, 25 anyos, ay mula sa probinsya ng Buriram sa northeastern Thailand. 

“She is very charming when she dances and she is the best dancer in the band,” saad ni Nipattanachai Thepkamdee, isang Thai influencer sa Tiktok at YouTube. 

“I like Lisa the most. Partly because of her skills and the fact that she is Thai,” aniya. 

Gustong gusto rin ng gubyerno ng Thailand si Lisa dahil sa kanyang pagsuot ng “traditional Thai headgear” nang mag-perform ito sa Phanom Rung stone castle noong 2021.

“When foreigners think of Lisa, they will definitely think of Thailand,” ani Nipattanachai. 

 “I will freak out and probably cry, because I really, really want to see them live once in my life,” dagdag pa niya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on