WebClick Tracer

Hindi kabayo? Netizens napagkamalan na ostrich si Vice Ganda

Ibinahagi ni Vice Ganda ang isang video sa social media kung saan makikitang tumatakbo ito sa tabi ng dagat ngunit dahil sa mabibilis na mga mata ng netizens ay tila may ibang napansin ang mga ito.

Makikita kasi sa video na may dala si Vice Ganda na bag at pinapalibutan ito ng balahibo.

Mabilis naman itong napansin ng mga netizen at bumanat na akala umano nila ay ostrich ang tumatakbo sa tabi ng dagat.

“Kala ko ostrich hahaha”

“Kala ko ostrich tumakbo!? Hahaha”

“akala ko ostrich”

“Kala ko ostrich nung una… kabayo pala”

Sa kasalukuyan, umabot na sa lagpas 53,000 likes ang pumuso sa nasabing post.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on