WebClick Tracer

Hinaing ng film industry bibitbitin ni Paul Soriano kay Marcos

Gagamitin umano ni Presidential Adviser on Creative Communications Secretary Paul Soriano ang kaniyang direktang linya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maiparating ang hinaing ng industriya ng pelikula.

Sa deliberasyon ng House Special Committee on Creative Industry and Performing Arts noong Martes sinabi ni Soriano na handa itong tulungan ang industriya ng pelikula.

“I am embracing the challenge because I’m very passionate about the film industry and of course arts and culture in general,” sabi ni Soriano.

Ayon kay Soriano, kasama siya ni Marcos sa pagbisita nito sa Beijing kamakailan at doon ay nakausap niya ang mga lider ng Chinese film industry na nagpahayag umano ng pagnanais na makatuwang ang Pilipinas.

Umaasa si Soriano na maipalalabas sa China ang ilan sa mga pelikulang Pilipino.

“I’ll be here also to bridge if there is anything as my agency is attached to the Office of the President, I do have that access to go direct to him if there is anything that we need to push,” sabi ni Soriano.

Ayon kay Soriano, napag-usapan din nila ni Marcos ang pagsasagawa ng town hall meeting para sa mga stakeholder ng film industry.

“I was with the President also in China discussing about creating some town hall meetings with stakeholders from industry for him to listen first hand because he does have a lot of great ideas and I know the heart of the President, a lot of culture and arts in it,” dagdag pa ni Soriano.

Tinalakay ng komite ang House Resolution 451 na akda ni House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar na naglalayong palakasin ang paggawa ng pelikula sa bansa upang makalikha ng trabaho at masungkit ng bansa ang kauna-unahang nominasyon o panalo nito sa prestihiyosong Oscar Award. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on