WebClick Tracer

Ginebra-Bay Area do or die sasambulat sa Philippine Arena

Naipuwersa ni Myles Powell at ng Bay Area Dragons ang PBA Commissioner’s Cup Finals sa do or die Game 7 matapos ang 87-84 win kontra Barangay Ginebra nitong Miyerkoles.

Ang back-to-back layup ni Powell ang nagkasa ng 85-82 para sa Bay Area may 2:37 na lang na nalalabi sa fourth bago iniskor ni Justin Brownlee ang huling basket ng Ginebra sa sumunod na play.

Matapos nito’y naging sunod-sunod na ang mintis ng Gin Kings hanggang sa pagtunog ng final buzzer.

Bumuhos si Powell ng 29 points kabilang ang huling anim na puntos ng Dragons para itabla ang serye sa harap ng mahigit 22,000 fans na nanood sa Smart Araneta Coliseum.

Sasambulat ang Game 7 ng 5:45PM sa Linggo, January 15 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan matapos iusog ng liga mula sa original Friday playdate. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on