WebClick Tracer

Bangkay na nakita sa Alaminos, Laguna, hindi pa rin nakikilala

Negros Occidental

Mahigit na apat na buwan matapos matagpuan, hindi pa rin natutukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng lalaking pinatay sa Alaminos, Laguna noong nakaraang taon.

Kasalukuyang nakalagak pa rin sa isang funeral home sa nasabing bayan ang labi ng biktima na pinatay sa pamamagitan ng pagbaril noong nakaraang August.

Ayon kay PCPT Edwin Goyena, hepe ng Alaminos police, umaga noong August 16, 2022 nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakabulagta sa damuhan sa gilid ng Alaminos diversion road sa Barangay Brgy Palma 1 .

May isa itong tama ng bala ng baril sa ulo nang madiskubre at katabi ang isang basyo ng hindi natukoy na kalibre ng baril.

Wala itong ibang pagkakakilanlan kundi ang tattoo nito sa may leeg na pangalang ‘Alexander’ at  ‘De la Merced’ at ‘Bahala na gang’ sa balikat at braso.

Tinatayang nasa 5’5” ang taas nito at may edad na 25-anyos hanggang 35-anyos.

Nanawagan ang Alaminos PNP sa mga nawawalan ng lalaking kaanak na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan para makilala ang bangkay at magkaroon ng lead sa kaso. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on