WebClick Tracer

Anyare sa ‘Pinas? Netizen naloka sa mababang presyo ng sibuyas sa Thailand

Ibinahagi ni Gaia sa social media ang natuklasan nito sa Thailand.

Makikita sa larawan na ibinahagi nito na nasa tabi ito ng sibuyas at tila nagulat.

“78php lang kilo ng sibuyas dito sa Thailand kalokaaaaaa anong nangyari sa mga sibuyas natinnnnnn” saad sa tweet ni Gaia.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen.

“Daig pa dito sa Switzerland eh. 120php/kg lng nga. Minimum wage with the highest standard of living talaga sa pinas.”

“Hindi daw dapat sisihin ang gobyerno sa pagmahal nung mga bilihin dahil daw un sa inflation worldwide kaya wala daw silang maisip na solusyon kundi dapat ang mamimili ang mag adjust, sa kabila ng sahod na malaki eh un lang ang pwedeng magawa pra sa sinumpaan na posisyon.”

“LAhAt nAmaN nG BaNsA mAtaAs BiLihiN HAHAHHAHAHHAHAAH”

Matatandaang sumirit ang presyo ng sibuyas sa bansa kaya naman marami ang tila ‘naluha’ na lang sa presyo nito.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on