WebClick Tracer

Vlogger, namahagi ng libreng pustiso sa 10 benepisyaryo

Sa isang panayam ng “I-Abante Mo,” sinabi ng vlogger na si Anthony “Palos” Graces na sinimulan niya ang pustiso challenge o ang paayuda sa mga taong nangangailangan ng pustiso.

Nang tinanong kung bakit niya naisipan ang pustiso challenge, sinabi niya na nitong last December sa pamamahagi niya ng spaghetti ay naisipan niya ring mamahagi ng pustiso dahil umano kapag nababahing siya ay parang hinahabol niya ang kanyang pustiso.

Nangyayari umano ito minsan kapag siya ay nababahing o kapag kumakain ng burger, nadadala ang kanyang pustiso.

Samantala, 10 benepisyaryo ang kanyang natulungan sa naisipang pustiso challenge. Layunin umano nito na makatulong din sa mga taong maluwag o walang pustiso.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on