WebClick Tracer

Sumunod kay Faustino! 7 hanggang 9 opisyal pa ng DND nag-resign

Inihayag ni Department of National Defense (DND) spokesperson Arsenio Andolong na pito hanggang siyam na opisyal ng ahensya ang nagpasa ng courtesy resignation.

Kasunod ito ng pagbibitiw ni DND officer-in-charge Jose Faustino Jr., sa kanyang puwesto.

Sa kabila ng biglaang pagbabago sa pamunuan ng DND, sinabi ni Andolong na nananatiling normal ang operasyon ng ahensya.

Nauna nang sinabi ng Presidential Communications Office na tinanggap ni Pangulong Bongbong Marcos ang resignation ni Faustino.

Itinalaga ng Pangulo si presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., bilang bagong Defense chief. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on