WebClick Tracer

Myles Powell pagaganahin ng Bay Area sa Game 6

Isusugal na ng Bay Area Dragons ang unang import nila na si Myles Powell upang kaladkarin sa do or die Game 7 ang Barangay Ginebra sa 2022-2023 PBA Commissioner’s Cup Finals.

Si Powell na ang rerelyebo sa na-injured na si Andrew Nicholson matapos mapaapak sa paa ni Jamie Malonzo sa isang rebound play noong Game 3.

Isang malaking sorpresa ang pagbabalik ni Powell sa line-up ng Dragons dahil naunang inihayag ni Coach Brian Goorjian na hindi na makakapaglaro sa Finals ang 6-foot-2 import dahil hindi pa ito lubos na gumagaling mula sa foot injury na natamo sa praktis.

Wala pang talo si Powell sa walong laro niya sa PBA bilang Bay Area import noong eliminations.

Bubulagain kaya niya ang Gin Kings na abot-kamay na ang pagiging kampeon ng 2022-2023 PBA Commissioner’s Cup sa Game 6 sa Miyerkoles? (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on