WebClick Tracer

Mga galing sa China hindi na kailangang higpitan – Concepcion

Hindi na kailangang magpatupad ng mas pinahigpit na border restriction sa mga biyaheng papasok sa bansa mula sa China.

Sa harap ito ng mataas pa ring naitatalang kaso ng COVID-19 sa China nitong nakalipas na buwan na pinangangambahang makarating sa bansa partikular ang mga bagong COVID variants.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion na malaking bagay sa pagbubukas ng ekonomiya ang mga turista mula sa China kaya dapat ay hindi magpatupad ng mga polisiya na maaring makadiskaril sa pagbangon lalo na sa turismo.

Ang kailangan lamang aniya ay ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols lalo na sa paggamit ng face mask at tiyaking malusog at negatibo sa antigen test ang mga papasok na biyaherong Chinese sa Pilipinas.

“Well, malaking bagay ang turista galing China at iyong COVID nandito na rin sa atin at provided we continue to follow the protocols on masking and all of that, I think we should continue opening the economy. Malaking bagay iyong Chinese tourists kung pupunta sila dito. Of course, we have to ensure that they remain healthy, and maybe whether they should clear with an antigen test before they arrive is something that we can look into just to be sure that when they arrived, that they are COVID-free so that at least they won’t waste their trip here ‘no,” ani Concepcion.

Binigyang-diin ng negosyante na dumapa ng husto ang turismo dahil sa COVID-19 pandemic at ngayon pa lamang bumabangon kaya samantalahin ang pagkakataon at payagang makapasok sa bansa abg mga turista hindi lamang sa China kundi ng iba pang mga dayuhan.

“Remember tourism was hit for quite some time. So ngayon nakakabangon na sila and this is where—a lot of my friends, small and medium enterprises, itong mga negosyo nila sa probinsiya especially. So we should take the opportunity, as economies like China and rest are opening up to allow the entry of these foreign tourists to come to the country,” dagdag ni Concepcion. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on