WebClick Tracer

Kaya naghiwalay? McCoy etsapwera sa pamilya ni Elisse

Totoo nga bang kaya nauwi sa break-up ang relasyon nina McCoy de Leon at Elisse Joson ay dahil daw sa pamilya ng aktres?

Sa ‘Showbiz Now Na!’ ni Cristy Fermin, naungkat ang dati pang issue na ayaw daw ng nanay ni Elisse kay McCoy.

Ayon kay Fermin, naging malaking palaisipan sa publiko ang naging Instagram post ni McCoy na mensahe para sa kanyang baby na si Felize.

Sa naturang post kasi ni McCoy, may nabanggit siya na hindi na raw niya kinaya kaya sumuko sa relasyon nila ni Elisse.

“Para sumuko, napakalalim ng dahilan na ‘yan. At ‘yun nga ang tinuturong dahilan mula’t mula pa from day one pa lang, ayaw na ng mommy ni Elisse kay McCoy,” wika ni Fermin.

Punto pa ng batikang showbiz columnist, wala namang duda na nagmahalan sina Elisse at McCoy, ngunit dumating sa point na kailangan na isuko ang kanilang relasyon.

Tingin naman ni Romel Chika, kaya ayaw ng magulang ni Elisse kay McCoy ay dahil may kaya ang pamilya ng aktres, habang si McCoy ay ‘kayod marino’ para guminhawa ang buhay ng kanyang pamilya.

“Parang hindi sila patas ng kabuhayan. Usually diba ang nagsasama naman sa ganyan ang laging pinag-uugatan ay ‘yung estado sa buhay,” saad ni Romel.

Napansin din ng sources ni Cristy na madalas daw ay hindi kasama si McCoy sa mga lakad ng pamilya ni Elisse.

“Halatang-halata naman daw ‘yung hindi magandang pagtingin sa kanya (McCoy). Lalabas ang pamilya, maga-out of town, wala si McCoy,” lahad ni Cristy.

“Para bang iniitsapwera (si McCoy), sa madaling salita,” aniya pa.

Sa ngayon ay hindi pa nagsasalita si Elisse tungkol sa hiwalayan nila ni McCoy. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on