WebClick Tracer

Goodbye P1K! Polymer bill naiwan sa bulsa, naplantsa ng netizen

Nagbabu ang pang-enrollment sanang P1,000 ng isang netizen matapos niya itong maiwan sa bulsa at maplantsa.

Sa viral post ni Jonathan de Vera ng Caloocan, makikitang nangulubot ang P1,000 polymer niya matapos hindi masadyang maplantsa.

“Isang nakakaasar na kaganapan. Naiwan ko sa bulsa ng pantalon ko ang 1000 na polymer. It so happen na nagplantsa ako. Nakapa ko lang nung binaligtad ko pantalon ko,” ani De Vera sa viral Facebook post.

“Sadly di raw tatanggapin sa banko. In short souvenir ko na to. Goodbye 1k pandagdag ko pa naman sa enrollment fee ko. Moral lesson: wag ilalagay ang pera sa pantalon kundi sa wallet,” dagdag niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on