Hinimok ng Department of Health (DOH) nitong Martes ang mga dumalong deboto sa pista ng Itim na Nazareno na mag-isolate kung may sintomas ng Covid-19.
Ayon sa pamunuan ng simbahang ng Quiapo, higit kumulang 2 milyong deboto ang dumalo sa Quiapo at sa Quirino Grandstand.
“Kung saka-sakali lamang pong makakaramdam na parang tinatrangkaso, sinisipon, inuubo, nilalagnat, mag-isolate na agad at tumawag sa ating local governments for proper management,” saad ni DOH officer-in-charge Maria Rosario sa isang press briefing.
Sinabi din ng DOH na magsuot ang mga deboto ng face mask sa susunod na 5 araw upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
(Jan Terence)