WebClick Tracer

Daniel Padilla, Zanjoe Marudo present sa PBA Finals Game 5

Hindi nagpahuli ang aktor na sina Daniel Padilla at Zanjoe Marudo na panoodin ang tapatan ng Barangay Ginebra at Bay Area Dragons sa PBA Finals Game 5.

Makikita sa video na ibinahagi ng PBA na personal pang lumapit si Willie Marcial upang kausapin ang mga aktor.

“Daniel Padilla, Hyubs Azarcon & Zanjoe Marudo at the #PBAFinals Game 5” saad sa caption ng PBA.

Samantala, naiuwi naman ng Ginebra ang panalo sa Game 5, 101-91. 

Muling bumida para sa Ginebra si Justin Brownlee at nagtala ng 37 puntos at walong rebounds, tumulong din si Stanley Pringle sa opensiba at may ambag na 20 puntos.

Nakuha na ngayon ng Ginebra ang kalamangan sa serye, 3-2.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on