WebClick Tracer

Dagdag benepisyo sa mamamahayag itinulak

Isang panukala ang inihain sa Kamara de Representantes upang bigyan ng dagdag na benepisyo ang mga mamamahayag.

Sa House Bill 6543 na inihain ni House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar bibigyan ang mga journalist ng disability, health at hospitalization benefit.

“During important assignments, journalists face the most dangerous situations like typhoons, disasters, floods, riots, war and conflicts, to name a few, in order to deliver the news to the public,” sabi ni Villar sa panukala.

Sa ilalim ng panukala, hindi lamang ang mga regular na mamamahayag ang bibigyan ng benepisyo kundi maging ang mga contractual o casual na empleyado.

Ang mga freelance journalist ay bibigyan din ng insurance benefits sa tulong ng Social Security System at Government Service Insurance System na aatasan na magbigay ng special coverage sa mga ito.

“It is time that journalists deserve the respect not only for the type of work that they are doing but also in the form of benefits that are long overdue. While some may not enjoy decent wages, it is necessary that journalists enjoy these perks as they have families that rely on them,” dagdag pa ni Villar. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on