Takaw-pansin si “Spider-Man” sa “Walk of Faith” kaugnay sa pagdiriwang sa kapistahan ng Itim na Nazareno nitong Linggo.
Ayon sa 46-anyos na lalaking nagpakilala lang bilang si Running Spiderman PH, isa sa mga wish niya kay Nazareno ay ang matapos na ang COVID-19 pandemic upang bumalik na sa normal ang lahat.
Ang “Walk of Faith” ay ipinalit pansamantala sa tradisyunal na Traslacion dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 nitong 2023.
Ayon sa ulat, umabot sa 88,000 deboto ang nakiisa rito mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church sa Maynila. (IS)