WebClick Tracer

Mais sa Zamboanga na kulay magenta, pangontra raw sa kanser?

Itinatanim ng mga magsasaka sa Zamboanga City ang mais na kulay magenta. Hinihinalang may sangkap raw ito na maaaring pangontra sa kanser.

Sa isang ulat mula sa GMA News, ang bagong variety ng mais na ito ay Itinatanim ng mga magsasaka mula sa Barangay Mercedes, ng mga miyembro ng Lumbayao Farmers Association.

“Ang puno, bunga at balat ng mais ay kulay magenta. Matamis at may pagkamalagkit umano ang butil nito,” saad sa ulat.

“Ang naturang variety ng mais ang pinakauna raw na itinanim sa ilalim ng techno demo activity ng City Agriculture Office at ng isang seed company,” dagdag pa sa ulat.

Sinabi naman ng isang agricultural technologist na si Jocelyn Galvez na ang hybrid ng naturang mais ay may pinaghalong katangian ng glutinous at sweet corn.

“Mas madali rin mag-mature ang magenta color corn kaysa sweet corn, at maaari na itong anihin sa loob ng 68 araw,” ani Galvez.

Idinagdag naman ni Engineer Erwin Kulayan, assistant city agriculturist, na may anthocyanin ang mais na kulay magenta di umanoy cancer preventive kaya raw ito sikat.

Cornstarch at corn coffee ang ilang produkto na maaaring magaw mula sa mais na kulay magenta.

Samantala, ayon sa mga magsasaka sa Zamboanga ay nasa mahigit P2,000 bawat kilo ang presyo ng seedling nito, habang nasa P40 per kilo ang farmgate price ng produkto. (Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on