WebClick Tracer

Lalaki hinostage mag-iina sa Tondo

Isang lalaki na may dala-dalang kutsilyo ang bigla na lang pumasok sa apartment ng isang pamilya sa Tondo, Manila at hinostage ang mga ito.

Nangyari ang insidente nito lamang Enero 6, 2023 bandang alas-sais ng gabi sa Franco St. Cor. Herbosa St. Brgy. 86 sa Tondo.

Ang suspek na may alias na ‘Terry’ ay hinostage ang nanay at ang dalawang anak na kasama nito sa apartment. Ang dalawang anak na hinostage ay may edad na 12 at 4 taong gulang.

Matapos naman ang ilang oras na pagnegosasyon ng mga awtoridad sa suspek, sumuko rin ito bandang alas-otso ng gabi.

TELETABLOID

Follow Abante News on