Binulabog ni Nadine Lustre ang kanyang followers nang mag-post na walang bra.
Nag-uumapaw ang appeal ni Nadine sa latest IG post niya, dahil bukod sa lutang ang ganda niya ay busog na busog din ang hinaharap niya.
Ang look ni Nadine sa larawan ay ang itsura niya nang dumalo sa Gabi ng Parangal para sa Metro Manila Film Festival 2022 noong December 27, 2022.
Ngunit dalawang kamay lamang ni Nadine ang ginawa niyang pantakip sa mabibilog niyang “melon” kaya naman nagpiyesta ang kalalakihan sa pasilip niya.
Umabot na agad sa mahigit 240,000 ang nag-heart sa larawang ito ng 2022 MMFF best actress makalipas lamang ang apat na oras nang i-post niya ang topless photo niya.
Binaha rin ng fire at smiling face with heart-eyes emojis ang comment section niya. (IS)