WebClick Tracer

Cristy Fermin nanggalaiti sa mga namimintas kay Mary Joy: ‘Kay gaganda n’yo naman’

Ipinagtanggol ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang babaeng dahilan umano ng hiwalayan nina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Sa “Cristy Ferminute”, binuweltahan ni Fermin ang mga basher ni Mary Joy.

“Dun naman po sa mga sobra naman pong mamintas sa pinagbibintangan nilang third wheel sa relasyon ni McCoy at ni Elisse, si Mary Joy Santiago, huwag naman po kayong mamintas nang todo-todo.

“Kay gaganda n’yo naman! Napakagaganda n’yo naman po. Maganda naman si Mary Joy. At kung sakali man po na kung ikukumpara kay Elisse ay hindi kagandahan si Mary Joy, hindi pa rin para sa atin ang husgahan ‘yung tao dahil hindi natin alam ang buong kuwento,” ani Fermin.

“Nagiging personal masyado. Kawawa ‘yung Mary Joy. Hindi pa nga natin alam kung ano ang kuwento eh, kung pintas-pintasan na siya akala mo naman wala na siyang karapatang mabuhay sa mundo dahil pangit daw siya. Eh kaganda naman ano? Maganda naman,” dagdag niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on