Umabot na sa 52 ang bilang ng mga nasawi sa matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng “shear line” sa ilang bahagi ng bansa.
“The number of reported fatalities from the torrential rains and floods caused by the shear line in late December has climbed to 52,” ayon sa ulat mula sa PNA.
Sa pahayag naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules, 13 sa mga ito ay kumpirmadong nasawi habang ang 39 sa mga ito ay nasa undergoing validation pa.
“The confirmed deaths consist of four from Davao Region; three each from Caraga and Zamboanga Peninsula; two from Northern Mindanao; and one from Mimaropa,” dagdag pa sa ulat.
“Fatalities still undergoing verification are broken down into 24 from Northern Mindanao; nine from Bicol; five from Eastern Visayas; and one from the Zamboanga Peninsula,” ayon sa nabanggit na ulat.
Samantala, mayroon ng 163,320 apektadong pamilya o 640,748 indibiduwal na mula sa 10 rehiyon ng bansa.
(Jan Terence)