WebClick Tracer

Pinakulam ng kamag-anak! Glydel Mercado napilitang lumapit sa albularyo

Inamin ng aktres na si Glydel Mercado na lumapit siya sa albularyo matapos tamaan ng kakaibang karamdaman.

Tsika ni Glydel sa isang mediacon para sa pelikulang “That Boy In The Dark” noong December 30, nakaranas siya ng palpitation, anxiety attacks at takot sa pagkain.

Nagsimula raw ang problema niya sa kalusugan nang hindi niya natulungan ang isang kamag-anak.

Matapos daw ang taping niya para sa teleseryeng “Artikulo/247” noong January last year, nagkaroon siya ng palpitation, anxiety attacks at takot sa pagkain.

“Kapag sinasabing kakain na, nanginginig na ako tapos umiiyak ako habang kumakain,” tsika ni Glydel.

“Nagpa-executive checkup ako kasi sabi ko kay Ton (Gutierrez) iba ang nararamdaman ko. Three days ako na-confine sa hospital.

“Lahat ginawa sa akin at okay daw ako. Sabi ko, ‘Dok hindi puwedeng okay kasi may nararamdaman ako.’ Ang ginawa nila pinabalik ako sa psychiatrist ko. After ng doctor, nagpatawas ako. Naniniwala kasi ako sa tawas,” dagdag niya.

Kuwento pa ng misis ni Tonton Gutierrez, isang kamag-anak daw niya ang lumabas sa tawas, na nagpatulong sa isang matabang babae.

“Every Tuesday and Friday ang session namin noon so naka-red ako. May pangkontra ako sa bulsa. Ganun pa rin, nanginginig ako. Then parang nakausap ng albularyo ko at ang gusto nila buhay ko ang kapalit. Oh my God! Buong buhay ko tinulungan ko sila tapos ganun lang ang gusto nilang gawin sa akin?

“Seven Fridays and seven Tuesdays ‘yun. Noong last Friday ko, tapos na lahat ang rituals, nagulat ako noong November, namatay siya. Pinagdasal ko pa rin siya dahil kamag-anak ko siya. Ang ginawa kasi ng albularyo ko, ibinalik sa kanila. Sabi ko naman noon ayokong ibalik, gusto ko lang gumaling. Eh nagalit ‘yung albularyo ko kasi lumalaban daw. Gusto nila akong mamatay. After that, bigla na akong ginanahan kumain.

“So inalam namin paano namatay. Ang sabi kumain lang daw, natulog tapos hindi na nagising. Sabi ko at least hindi siya nahirapan,” dagdag niya.

Sa ngayon nga ay magaling na raw si Glydel at umaasa siyang bumalik sa dati ang kanyang timbang. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on