WebClick Tracer

Air traffic system sapol ng ‘technical issues’, mga flight binawalan lumipad

Naka-hold ang mga flight papunta at galing sa Manila matapos tamaan ng “technical issues” ang Air Traffic Management Center sa Pasay nitong unang araw ng 2023.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, inaayos na nila ang isyu para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

“The safety of passengers is the priority of the agency and it is better to secure the aircrafts on the ground to avoid any airborne accident,” pahayag ng CAAP.

Naglabas naman ang Philippine Airlines at Cebu Pacific ng magkahiwalay na abiso tungkol sa mga delay, dahil ang ilan sa mga inbound flight ang na-divert.

Saad ng Cebu Pacific, na ang pagkawala ng kuryente ay pumutol sa mga linya ng komunikasyon, na nakakaapekto sa lahat ng operasyon sa paliparan. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on