25

May 11, 2020 @ 19:46
By

2023 World Cup na iho-host ng ‘Pinas, may petsa na

Nagtakda na ang FIBA ng petsa para sa 2023 World Cup.

Maliban sa Pilipinas, iho-host din ng Japan at Indonesia ang gaganaping World Cup.

Didribol ang FIBA Basketball World Cup 2023 mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023.

Gaganapin ang huling yugto ng FIBA World Cup 2023 sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganapin ang FIBA World Cup sa higit isang bansa.

Kaugnay nito, naglunsad na ang FIBA ng official website ng event.

Tampok sa kompetisyon ang 32 national teams mula sa iba’t ibang bansa.

Sa China noon rumatsada ang FIBA Basketball World Cup 2019 kung saan ang Spain ang tinanghal na world champions matapos padapain ang Argentina, 95-75, sa Wukesong Arena sa Beijing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?