Tatlong short-range ballistic missiles ang pinakawalan ng North Korea, ito ay ayon sa South Korea’s Joint Chiefs of Staff.
Ang mga ballistic missile umano ay mula sa Chunghwa area, North Hwanghae province.
Bumagsak pa umano ito sa karagatan ng east coast ng Korean Peninsula at sa labas ng Japan’s exclusive economic zone.
Nito lamang nakaraan, nagpakawala rin ang North Korea ng dalawang short-range ballistic missiles.
Tinatayang naman na nasa lagpas na 90 cruise at ballistic missiles ang pinakawalan ng North Korea ngayong taon. (CS)