WebClick Tracer

Hula kay Pangulong Marcos bago bumaba: ‘Magiging maayos ang Pilipinas’

Matapang umanong haharapin ni Pangulong Bongbong Marcos ang problema ng Pilipinas.

Ayon ito sa prediksyon sa kanya ng manghuhulang si Mamu Gloria Escoto gamit ang kanyang mga tarot card.

Sa isang episode sa YouTube channel ni Romel Chika, tinanong niya sa kilalang manghuhula na si Mamu Gloria Escoto ang nakikitang prediksyon sa ilang celebrities sa 2023 kabilang na ang Pangulo, na September 13, 1957 ang kaarawan.

Ani Mamu Gloria, unti-unting mareresolba ni Pangulong Marcos ang problema ng Pilipinas at aalis ito sa puwesto na maayos ang bansa.

“Bago siya umalis o bago siya bumaba, magiging maayos ang Pilipinas,” ani Mamu Gloria.

“Pagdating sa ekonomiya inilalaban niya ‘to kahit, alam mo ‘yun pagod na siya pero ang gusto niya kasi ay maging maayos ang lahat at maging masaya ang lahat,” dagdag niya.

“Mababago niya ang ekonomiya ng Pilipinas. So, magiging okay tayong lahat,” patuloy pa niya.

Nawindang naman si Romel Chika sa sinabi ni Mamu Gloria na dadanas umano ng kalungkutan ang Pangulo.

Ito ay ang posible umanong pagpanaw ng ina ng Pangulo.

Pinag-iingat naman niya ang Pangulo sa kalusugan nito at mga taong nasa paligid niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on