WebClick Tracer

Kevin Love nais i-retire ng Cavaliers ang jersey ni Kyrie Irving

Malakas ang paniniwala ni Kevin Love na nararapat lang na i-retire ng Cleveland Cavaliers ang jersey ni Kyrie Irving, personal na inihayag ni Love ang opinyon hinggil sa usapin na ito.

“Without a doubt. Absolutely. Right away, after his career ends,” ayon kay Love sa isang interview sa cleveland.com.

Ang tira umano ni Irving ang isa sa mga importanteng nangyari sa koponan kaya nasungkit ang 2016 NBA Championship.

“It’s not even a question to me. He needs to be up there. He made the biggest shot in franchise history and one of the most important shots in Finals history when you consider how it all went down — what it meant for the city, what it meant for his legacy, LeBron’s legacy and everything else, including that Golden State team that became a dynasty and was historically great.”

Matatandaang magkakasama sina Irving, Love at LeBron James sa 2016 Cavaliers team na umahon sa 3-1 na kalamangan sa series at nagpabagsak sa Golden State Warriors upang iuwi sa Cleveland ang 2016 NBA Championship. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on