WebClick Tracer

Melai ibinidang KathNiel, LizQuen ang ninong, ninang ng mga anak

Ibinida ni Melai Cantiveros ang mga bigating ninong at ninang ng kanyang mga anak.

Walang iba kundi sina Kathryn Bernardo-Daniel Padilla at Liza Soberano and Enrique Gil!

“My Princesses with The King and Queen of Hearts kunting Trivia si Mela Ninong at Ninang nya is KathNiel, tapos si Stela Ninong at Ninang nya is LizQuen. Oh Dba Sayaaaaa,” sey ni Melai.

Hiniritan naman ng netizens si Melai na mag-baby ulit sila ni Jason Francisco at kunin namang ninong at ninang ang DonBelle.

“Nakakamiss din ang lizquen momshie mels… sana bumalik na sila…”

“Verygood mamili ng ninong at ninang HAHAHAHAHAHAHA cute.”

“Merry Christmas to your beautiful family.”

“Anak ka po ulit Ninong/Ninang naman ang Donbelle.”

“Manganak kapa mam melai, para ninang at ninong Muna rin ang DonBelle.”

“Isa pa pong baby para sa DonBelle naman hehe.”

“More kids pa momshie melai para ninong at ninang din ang #Donbelle.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on