Muling nag-viral ang volleyball star na si Deanna Wong dahil sa isang video.
Huli sa camera ang umano’y muling pang-iisnab ni Deanna sa isang fan.
Nakunan umano ang video sa Oslob, Cebu.
Kamakailan nag-trending si Deanna at volleyball team na Choco Mucho Flying Titans dahil sa hindi umano pagtango o pagkaway man lang sa mga bumabating fan sa kanila sa Boracay.
Naglabas na ang Choco Mucho ng pahayag tungkol dito at ipinagtanggol ang koponan.
Anila, hindi raw isinama sa viral video ang pagbati, pagkausap at pakikipag-selfie ng koponan sa mga fan kahit naka-break ang mga ito.
Sa bagong viral video, isang binatilyo ang lumapit kay Deanna ngunit tila itinaboy ito ng volleyball player.
“At totoo ang chismis. Kayo na ang humusga PERIOD!” sabi ng nag-post nito na si Adrian Vasaya Abejuela. (IS)