WebClick Tracer

Alden Richards, happy na dinagsa ang prinodyus na Eraserheads concert

Masayang-masaya si Alden Richards na dinagsa ang reunion concert ng Eraserheads.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Alden ang mga eksena sa backstage ng reunion concert nitong December 22 sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.

Ang kumpanya ni Alden na Myriad Corporation ang nag-organisa at co-producer ng “Huling El Bimbo” concert.

Makikitang pinuntahan niya sa backstage ang mga miyembro ng banda na sina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro.

Makikita rin ang panonood niya ng concert sa front row at director’s booth.

Nakikipagtawan din siya sa director’s booth.

“Hangang sa dulo ng mundo solid ang ating pagsasama! Maraming Salamat sa mga naki Sing- Along at di nagpatalo sa mahabang pila!” sey ni Alden. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on