WebClick Tracer

Netizens nais patalsikin si Elon Musk bilang head ng Twitter

Elon Musk

Nagsalita na ang ilang netizens at nais talagang palayasin bilang head ng Twitter si Elon Musk.

Sa nakaraang poll na ginawa nito, nanaig ang ‘yes’ vote na may nahakot na 57.5 porsyento, ito ay sa katanungan na “Should I step down as head of Twitter? I will abide by the results of this poll.”, ang mga bumoto naman sa ‘no’ ay nasa 42.5 porsyento.

Matatandaang marami ang tutol sa mga hakbang ni Musk matapos nitong pormal na hawakan ang Twitter, tinanggal nito ang ilang matataas na opisyal at nagkaroon pa ng usap-usapan na mawawala na ang nasabing social media app, kung saan ay hindi naman natuloy.

Ilang netizens naman ang may reaksyon sa nasabing poll.

“Depends who you get to run it !”

“ok I actually respect this”

“Vote yes to rest from the problems of @elonmusk . I think he wants to leave @Twitter because his problems with it cause losses in @Tesla and @SpaceX , and because he is smart and wants to leave Twitter by voting, not because of shareholder pressure.”

(CS)

Elon Musk on Twitter: “Should I step down as head of Twitter? I will abide by the results of this poll.” / Twitter

TELETABLOID

Follow Abante News on