WebClick Tracer

DBP nilibre sa 50% taunang remit ng kita

DBP

Hindi na oobligahin ang Development Bank of the Philippines (DBP) na mag-remit ng 50% kita nito sa national government para sa taong 2021.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 8 kung saan mula sa 50% na kita ay ini-adjust ito sa zero percent, alinsunod sa probisyon ng Dividend Law.

Layon ng hakbang ng Pangulo na masuportahan ang capital position ng DBP at makasunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at maipagpatuloy ang papel sa economic recovery ng mga industriyang lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“According to the EO signed December 9 by the President, the percentage of net earnings to be declared and remitted by the DBP to the national government for calendar year 2021 is adjusted from 50 percent of its annual net earnings to zero percent,” saad ng Office of the Press Secretary.

Nakasaad sa Dividend Law na maaaring i-adjust ng Presidente batay sa rekomendasyon ng Secretary of Finance ang percentage ng taunang kita na maaaring ideklara ng isang government-owned and controlled corporation (gocc) alinsunod sa interes ng pambansang ekonomiya at pangkalahatang kapakanan ng bansa.

Ang DBP ay itinatag upang maserbisyuhan ang medium at long term na pangangailangan ng sektor ng agrikultura at industrial enterprises lalo na sa mga malalayong lugar na partikular ang mga nasa small at medium scale enterprises. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on