Sinabi ni Ifugao governor Jerry Dalipog na pwedeng pagtaniman ng marijuana ang mga bakanteng rice terraces sa Baguio kung maisasabatas na ang “medical marijuana.”
“Okay ako dyan in some areas of the rice terraces, especially at the highly elevated areas, if there is a law passed legalizing (medical marijuana). But not all (areas),” saad niya sa isang phone interview nitong Miyerkules.
Ang kanyang pahayag ay reaksyon sa panukala ni Senator Robinhood Padilla na maaaring gamitin ang terraces sa Baguio para sa “marijuana cultivation.”
May mga bakante pa at inabandunang terraces na hindi na nagamit dahil kailangan umano ng malaking halaga para rito.
Kapag naipasa na ang legalisasyon ng paggamit ng marijuana bilang gamit panggamot, pwedeng pagkakitaan umano ito ng mga tao sa kanilang lugar.
(Jan Terence)