Sumuko ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) para bigyang daan na ang kapayapaan sa buhay nila, sabi ng isang opisyal nitong Miyerkules.
“They were members of the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) who surrendered and chose to reintegrate into the mainstream society,” saad ni Jaber Macacua, project officer ng TuGon Project sa ilalim ng Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MILG-BARMM).
Ang TuGon ay acronym ng Project Tulong ng Gobyernong Nagmamalasakit. Ito ang tumutulong sa surrenderers na magsimula ng panibagong buhay kasama ang kanilang pamilya.
Ang mga sumukong miyembro ng nabanggit na grupo ay sinamahan ng local government officials at mga militar sa isang “surrender rites” na ginanap sa headquarters ng Army’s 57th Infantry Battalion sa munisipalidad ng Upi nitong hapon ng Martes.
Nagbigay rin ng food packs si Macacua sa mga sumuko. Titiyakin umano ng mga awtoridad ang mapayapang landas para makapagsimula sila nang maayos sa buhay.
(Jan Terence)