WebClick Tracer

Tambay sa office! Manager na sumesweldo ng P7M, nagreklamo kasi hayahay trabaho

Abot sa $126,000 (P7 million) ang sinisweldo kada taon ng isang manager, pero hindi siya nakukuntento dahil wala na raw pinapagawa sa kanya sa trabaho.

Nagreklamo si Dermot Alastair Mills, financial manager sa Irish Rail, dahil ang tanging ginagawa na lang daw niya sa trabaho ay kumain at magbasa ng diyaryo.

Wika ni Mills, nagsimula siyang maubusan ng gagawin dahil nagsilbi siyang whistleblower matapos na mapansin ang ilang red flag sa hinawakan niyang debt portfolio na nagkakahalaga ng abot $8M.

Simula raw noong ilapit niya ang issue sa kanilang chief ay napansin niyang unti-unti na siyang hindi binibigyan ng trabaho.

Dati raw ay pinaghahanda pa siya ng mga report para sa gobyerno at isinasama pa sa meeting, ngunit kalaunan ay hindi na ito pinapagawa sa kanya.

Naghain si Mills ng reklamo sa pamamagitan ng Protected Disclosures Act 2014, kaya dapat ay protektado ang kanyang identity bilang whistleblower.

Ngunit tila naparusahan umano siya dahil nawalan na siya ng trabaho kahit na regular siyang sumusweldo.

“I buy two newspapers, the Times and the Independent, and a sandwich. I go into my cubicle, I turn on my computer, I look at emails. There are no emails associated with work, no messages, no communications, no colleague communications,” lahad ni Milss sa report ng Vice.

Nanindigan naman ang Irish Rail na hindi umano nila pinarurusahan si Mills dahil sa pagiging whistleblower nito.

TELETABLOID

Follow Abante News on