Pumalo na sa 17 ang kabuuan na kaso ng BQ.1 sa bansa matapos muling may ma-detect ang Department of Health (DOH). Ang bagong kaso ng BQ.1 ay natagpuan sa Western Visayas.
Dagdag pa rito, may panibago rin na na-detect sa bansa na 115 na bagong kaso ng omicron subvariants, kasama na rito ang na-detect na isang bagong kaso ng BQ.1 sa bansa.
64 dito ay kaso ng BA.2.3.20, 42 ay kaso ng XBB, dalawa ay kaso ng BA.5 at ang anim ay omicron sublineages. Nakapagtala rin ng dalawang bagong kaso ng XBC.
Samantala, mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4 nakapagtala ang Pilipinas ng 7,731 na karagdagang kaso ng COVID-19. Ito umano ay mas mababa ng apat na porsyento kung ikukumpara sa nakaraang linggo.