WebClick Tracer

Panukalang palakasin mental health service sa SUC umusad

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na palakasin ang mental health service na ibinibigay sa mga State Universities and Colleges (SUCs).

Ang panukalang SUCs Mental Health Act (House Bill 6416) ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting.

Sa ilalim ng panukala ang Commission on Higher Education (CHED) ay inaatasan na magtayo ng mental health office sa lahat ng campus ng SUC.

Ang mental health office ang magtatayo ng campus hotlines na sasagutin ng mga kuwalipikadong guidance counselor na tutulong sa SUC community lalo na sa mga estudyante na nangangailangan ng atensyon at mayroong mataas na tyansa na magpakamatay.

Nakasaad din sa panukala ang pagbalangkas ng CHED ng career at personnel development plan sa tulong ng mga SUC, Department of Budget and Management, Civil Service Commission, Department of Health, Professional Regulation Commission at iba pang ahensya. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on