WebClick Tracer

Jovit Baldivino nag-collapse sa party, nasa ICU

Nag-collapse umano habang nasa isang party kagabi, Disyembre 4 sa Batangas City si “Pilipinas Got Talent” grand champion Jovit Baldivino.

Ayon kay Abante correspondent Ronilo Dagos, isang source na kaibigan ni Baldivino ang nagsabing may pumutok umanong ugat sa ulo ng singer at posibleng aneurysm ang nangyari sa kanya.

Naoperahan na umano ang singer nitong umaga, Disyembre 5 at nailipat na sa ICU sa Jesus of Nazareth Hospital.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamilya ni Baldivino. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on