WebClick Tracer

4 palapag na gusali sa Malabon, gumuho

Isang four-story residential building sa Malabon City ang gumuho nitong Linggo.

Ayon sa ulat, dalawang indibiduwal ang sugatan sa insidente at isa ang na-trap.

Matatagpuan ang gusali sa Orchid St., Barangay Longos, na nag-collapse bandang alas-7:00 ng umaga.

Inaalam pa ng mga kinauukulan kung ano ang sanhi ng pagbagsak ng gusali, ayon sa Malabon City government. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on