WebClick Tracer

SBP naghahanap ng volunteers para sa FIBA World Cup

SBP

Pormal ng inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang requirements para sa mga nais magpasa ng kanilang aplikasyon upang maging volunteer sa FIBA World Cup.

Kasama sa requirements ang pagiging fluent sa English at Filipino, pati na rin ang pagiging kumpleto sa bakuna laban sa COVID-19.

“Ipakita ang galing ng Pinoy! Be a part of the volunteers who can show the Filipino brand of hospitality to the world for the FIBA Basketball World Cup 2023! Requirements: At least 18 years of age by August 1, 2023, Fluent in English and Filipino (Knowledge of another foreign language is a plus), Fit to render work, Confident and comfortable dealing with stressful situations, Fully vaccinated at Philippine resident.” saad sa caption ng SBP.

Isang netizen naman ang nagkaroon ng kaniyang reaksyon hinggil sa pagiging volunteer.

“Panay Volunteers eh bilyones ang budget? Nagtitipid kayo sa work force gusto nyo libre eh di sana ung mga manggagawa–construction workers, caterer, drivers atbp eh volunteers din para fair at makatipid. Isama rin ung mga delegations ng bansa dapat volunteers at walang sahod.”

TELETABLOID

Follow Abante News on