WebClick Tracer

PWD bigyan ng discount sa toll

Toll Fee

Sa bisperas ng International Day of Persons with Disabilities (PWD), itinulak ng isang mambabatas ang panukala na bigyan ng 20% discount sa toll fee ang mga taong may kapansanan.

Sa ilalim ng House Bill 5275 na akda ni Quezon City Rep. Marvin Rillo bibigyan ng 20% diskwento ang mga PWD na may-ari ng mga sasakyan na daraan sa skyway at expressway.

Alinsunod sa Magna Carta for Disabled Persons ang mga PWD ay binibigyan ng 20% diskwento at exemption sa pagbabayad ng value-added tax (VAT) sa pagbili ng produkto at pagkuha ng serbisyo.

Ang mga PWD naman na sumasakay ng tren at iba pang pampublikong sasakyan ay bibigyan din ng 20% discount.

Tinatayang 12% ng mga Pilipino na edad 15 pataas ang nakararanas ng severe disability, ayon sa National Disability Prevalence Survey ng Philippine Statistics Authority.

“Once enacted, our measure will surely give more substance to the mandate of the Constitution for the State to prioritize the needs of Filipinos who are highly vulnerable to marginalization,” sabi ni Rillo sa panukala.

Upang mabigyan ng diskwento, ang sasakyan ay dapat nakarehistro sa PWD na kailangang magsumite ng kopya ng kaniyang PWD ID sa mga operator ng tollway kapag kukuha ng RFID tag para sa naturang sasakyan. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on