WebClick Tracer

Positibong forecast ng Moody’s, indikasyon na nasa tamang direksyon ang gobyerno

Ang positibong forecast na ibinigay ng Moody’s Investors Service sa Pilipinas para sa 2023 ay indikasyon na nasa tamang direksyon ang bansa patungo sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez nakakapagbigay ng kapanatagan ang pahayag ng Moody’s na ang Pilipinas ang makakapagtala ng pinakamalaking paglago sa gross domestic project sa susunod na taon.

Batay sa pagtataya ng Moody’s ang GDP ng Pilipinas ay uunlad ng 6.4% porsyento at susundan ng Vietnam (6.1%), China (5.1%), India (5.0%), Indonesia (4.7%), Thailand (3.9%) at Malaysia (3.8%).

Ang pag-unlad ay itutulak umano ng pagtaas ng demand sa mga produkto at serbisyo at ng polisiya ng gobyerno sa edukasyon, kalusugan at imprastraktura.

Sinabi ni Romualdez na ang pagtataya ng Moody’s ay naaayon din sa pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang GDP ng bansa ngayong taon ay lalago ng 6.5% hanggang 7%.

“Taken together, they validate the rationality of President Ferdinand Marcos Jr.’s decision to relax pandemic-related restrictions, the soundness of his administration’s economic policies and the competence of his chosen economic managers,” sabi ni Romualdez.

Nagbabala naman si Romualdez na nananatili ang epekto sa pag-unlad ng bansa ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine at COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Romualdez na nananatili ang suporta ng Kamara de Representantes sa pagpasa sa mga panukala na kailangan upang matugunan ng Marcos administration ang mga problemang kinakaharap ng bansa.

“With the prudent fiscal and economic policies of the Marcos administration, a strong partnership between the government and the private sector, and the cooperation of our people, we have a good reason to look forward to a better life for our people in the coming year,” dagdag pa ni Romualdez. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on